Tuesday, November 22, 2011

Pag papagamot kay ka Perying



Isang paglilinaw sa kaguluhang nangyayari sa pagpapagamot kay ka perying

Sa mga nakaraang araw ay binatikos ang grupong SRMP at NOMADS sa tila "kapabayaan" daw na siyang nagiging dahilan sa pagka depress ni tatay perying. Ito po ay paratang na walang katotohanan. Minarapat ko pong tumahimik dati at kumilos na lamang ngunit sa pagkakataong ang mga maayos na grupo ay nadadamay sa kapabayaan ng ilan ay panahon na po upang linawin ang lahat. hayaan nyo po akong ibahagi ang mga pangyayari bilang isa sa mga nagsimula ng proyektong ito.

Ang layunin po ng SRMP at NOMADS ay ang pagpapagawa ng kubo ni tatay perying, Ito po ay napagdesisyunan matapos po na ang mga grupo ay nagpunta sa Mt. Manabu at aming nalaman na isang "GOOD SAMARITAN" ang siyang nag volunteer na ipagamot si tatay perying. Minarapat po ng SRMP at NOMADS na mag "give way" sa pag volunteer ni good samaritan sa paniniwalang siya ay may mabuting hangarin. Nagkaisa ang 2 grupo na mag focus sa pagpapagawa ng kubo ni tatay perying at isang event ang nabuo para rito. Sa kasamaang palad ay ilang buwan na ang nakalipas ay tila iniwan na si tatay perying at hindi na nagparamdam ang "good samaritan" na ito na siyang nangakong magpapagamot kay tatay. Kaya po ngayon ang SRMP at NOMADS ay nagkaisa na kami na po ang magpapatuloy sa pagpagamot na iniwan ni good samaritan kuno.

Sa mga bumabatikos sa proyektong ito ay kayo po ay aking nauunawaan dahil naniniwala po ako na kayo ay malapit din kay tatay perying tulad ko at karamihan ng ating mga kapwa mountaineer. Ngunit nagkakamali po kayo kung iisipin ninyo na ang grupong SRMP at NOMADS ay ang siyang "nagpaasa" o nang iwan kay tatay. Isa po itong maling impormasyon. Ang SRMP at NOMADS po ang siyang gumagawa ng paraan ngayon upang matulungan si tatay perying sa pag iwan ng nangakong "good samaritan" kuno. kami po ang sumalo sa naiwan na pagkukulang ng good samaritan kuno na ito.

Inaanyayahan ko po ang lahat na magkaisa tayo sa pagtulong kay ka perying na ngayon ay nangangailangan ng karamay, Isa po itong munting panawagan sa ating lahat mula kay tatay na siyang sandigan ng mga mountaineer sa Mt. Manabu. Tigilan na po natin ang walang katapusang turuan,bangayan,awayan at sisihan at magkaisa po tayo sa pagdamay kay tatay na hindi naman naiba sa atin. Naniniwala po ako na ngayon ay marami pa ring mabubuting mountaineer na handang tumulong at magpakumbaba at naniniwala sa pagkakaisa sa isang mabuting layunin.

INAASAHAN PO NAMIN ANG INYONG MABUTING KALOOBAN AT SUPORTA PARA KAY TATAY PERYING MGA KAPATID.

"SA IISANG LANGIT TAYO AY NAGKAKAISA"

MARAMING SALAMAT PO.


-Jay Z Jorge

Source: SRMP

No comments:

Post a Comment