Bawat kagamitan ay may mahahalagang tungkulin, Kaya sana tayong mga montanero ay wag tipirin ang pag bili nang gamit, Dapat kaligtasan ang unang isaalang alang.
- Fist Aid Kit
Ang First Aid Kit ang una sa listahan ko sa bawat pag akyat. Ito ang kailangan hindi mawala sa bawat pag lalakbay, Alam naman nang lahat kung gaano kahirap ang bawat lakad, At sa bawat lakad hindi natin masabi ang pwedeng mangyari. Sa bawat grupo may nakatalagang miyembro na mag dadala nito o bawat miyemro ay may dala din. Kadalasan nakalagay ito sa Overhead nang Backpack o kaya kung saan madaling pwd kuhanin sa oras nang pangangailangan.
- Backpack
Para saakin sa Pagpili nang Backpack hindi importante kung ito ba ay gawa nang banyaga gaya na lamang nang nasa larawan, Madami gawang Pilipinas na sadyang subok na matitibay, Kailangan lamang ikunsidera ang tibay nito, ang bigat nito, kung ito ba ay hindi masakit sa balikat at kung ito ba ay hindi pinapasok nang tubig. At nag dedepende din ang laki nang bag sa kung ilang araw ang magiging itinerary. Kung overnight pwede na ang 40L pero pag mga tatlong araw o higit pa ay mangangaialngan nang mas malaking back pack. Importante din ng tinatawag na RainCover, Inilalagay ito pantakip sa mga backpack, Ito ay tumutulong na hindi direktahan mabasa ang bag o di kaya ay maputikan, iwas din ito na masabit ang bag sa mga baging at mga salasalabat n kahoy
- Shoes
Mas maganda kung bibili nang sapatos piliin na ung magandang klase, Hindi naman masasayang ang pera dahil pang matagalan na din itong magagamit. Nakasalalay din dyn ang buong bigat nang iyong katawan at kasama na din ang bigat nang dinadala. Mabuting piliin ang Waterproof (gortex) na klase nang sapatos. At tandaan laging mag lagay nang kahit 1"inch na allowance, kung ayaw mong mamatay ang iyong mga kuko sa paa.
- Trekking Shirt (Dry-Fit)
Sa Damit hangang maari gamitin ay dri-fit na klase nang damit, Hindi lang branded ang meron nito, Meron din ang mga local na brand, Sa mga depertment store at kahit sa Divisorya at makakakita nito, Pwede din mag patahi, Kung mag papaimprenta naman na gagamitin nang inyong grupo, pwede din sabihin Sa pag papagawaan na Dri-fit ang gamitin na tela. Malaking bagay kapag ang suot ay dri-fit na tela kumpara sa ibang tela. Hindi mabigat sa katawan kung sakaling paawisan na, madali din matuyo kumpara sa ibang tela.
- Trekking Pants/Short
May mga bundok na kinakailangan ay mag pantalon ka, Meron din namang bundok na kahit naka short lang ay pwede na din, Depende na din sa montanero kung anu ang mas gusto nilang gamitin, Meron din tinatawag na Convertible trekking pants kagaya nang nasa larawan. Ito'y pwedeng gawing short pwede din gawing pantalon, Para sa mga gustong makatipid mainam ito. Para saaking magandang bumili nang ganito sa mga ukay ukay meron din mga shop n nag titinda nito n hindi branded pero magandang klase.
- Leggings
Sa mga naka shorts nirerekomenda ko na mag susuot nang leggings, Proteksyon din ito sa mga matatalim n damo at talahib na maari din ika sugat, Sa mga putik o anu pang mga dumi na maaring dumikit sa binti, Tulong din ito na makaiwas sa kagat nang limatik. Sa mga pangkaraniwan laman na tao, Hindi nila alam na ginagamit din ito nang lalake, Meron talagang Leggings na pang lalake at sadyang ginawa pang mountaineering, Kaso may kamahalan kaya mas mabuting bumili nalang nang ordinaryo na nabibili sa bangketa. Meron naman nabibili na medyo makakapal ang tela.
- Arm Warmer
Kagaya nang leggings malaki ang naitutulong nitong proteksyong sa ating mga braso na makaiwas sa matatalim na damo at talahib, Proteksyon din sa mga limatiks at sa init nang araw, Sa pagkat mas mataas, Mas nalalapit sa araw, Mas mainit sa balat. Madali lang makahanap nito at may mura din, meron sa palenke, bangketa, sa mall o maging sa kalsada ay may nag lalako na din. Sa mga mga mountaineering shop ay makakabili ka, yun nga lang ay may kamahalan, Pero mas maganda, makapal at dri-fit ang telang ginamit.
- Gloves
Sa gloves o gwantes ay depende kung saan mo sya gagamitin, Para saakin mas maganda na Dalawang pares ang dalang gwantes, Ang isa ay pag nasa camp na kung hindi mo kakayanin ang lamig at ang isa naman ay gagamitin mo habang nag tetrekking, Madali namang makabili nang ordinayong Gloves, kadalasan pa ay mag kasama sa tindahan ang gloves at ang arm warmer. Kapag ang gamit mong gloves ay ordinaryo lamang at Hindi water proof, mas mabuti na mag dala ka nang Surgery gloves o ung gloves na plastik, upang kung sakaling basa ang kabundukan, maputik o kaya ay umuulan, isuot muna ang mga ito bago isuot ang gloves para hindi mababad sa basa.
- Bush Hat
Mas safe gamitin ang ganitong uri nang sombrero, kahit anung lakas nang hangin ay hindi tatangayin dahil na din may tali na, Hindi naman lahat gumagamit nang ganito, Ang iba kasi ay bullcap ang gamit. Tip trip lang yan, kung anu trip mo un ang gamitin mo. Maganda din kasi itong proteksyong sa init nang araw dahil na din 360 deg. ang disenyo nya.
- Whistle
Ugaliin lamang na laging i suot o ikabit ang whistle sa ating katawan sa tuwing nag pupunta nang bundok, Lalo na habang nag tetrek.
- Isang mahabang pag pito ang ibig sabihin ay tumigil sa pag lalakad.
- Dalawang mahigsing mag kasunod na pito ang ibigsabihin, mag patuloy nang lakad.- Trail water
Ito ang tinatawag na lexan bottle, Ang trail water ay naka pwesto sa madaling makuha habang nag tetrek, Para sa oras na kailangan ay madaling makuha. Alam naman natin kung gaano kaimpotante ang tubig habang nag tetrek.
Ito naman ang tinatawag na Hydration Bladder, Karamihan nang backpack na nabibili ngaun ay may lagayan na nito sa loob. Maganda itong gamitin kasi Hindi mo na kailangan hawakan, May hose lang na nakalabas mula sa pinag lalagyan nya sa loob nang back pack palabas, at ikinakapit sa strap nang bag.
- Portable/Folding Knife
- Head lamp
Madaming nabibiling headlamp, Sa Bangketa nga lang ay makakakita ka na, pwede na yun ang problema nga lang ay hindi dya waterproof, May kamahalan ang headlamp na magandang klase, Kaya ung iba ang binibili nalang ay ung ordinaryo, Sa pagpili naman nang headlamp importante din ung waterproof sa pagkat hindi natin masasabi ang panahon, pabago bago, maarin abutan ka nang ulan. mag invest ka nang mahal, tiyak naman na ito ay tatagal.
- Flash light
Sa pag pili nang flashlight mabuting bilin ay LED, mas maliwang ito kaysa sa ordinaryo na kulay dilaw, Nererekomenda din na bawat isa ay may dalang flash light.
- Sandals
Hangang maari mag dala nang sandals, ito din ang gagamitin habang nasa camp, Ang iba ang ginagamit sa camp ay tsinelas lamang, mas mabuti parin na sandals ang gamit para maiwasan na din madulas.
- Poncho
Ugaliin mag baon nang poncho, Kahit hindi maulan, maganda na ang laging handa. May mga kabundukan din na talagang maulan.
- Windbraker
Isa din na magandang proteksyon sa ulan ang klase nang jocket na windbraker, madulas sa tubig at magaan kahit basa na, Sa kabundukan na maulan, magandang gamitin ito habang nag tetreking. Hindi makaksagabal sa pag galaw.
- Mess kit
Hangang maari dapat ay aluminum, Mas magaan, madali linisain, At madaling painitin. Sa kagamitan na ito, pwede ka nang mag saing, mag pakulo nang tubig at mag kape, maaari ka din dito mag prito o kaya ay mag luto nang ulam.
- Tent
- Groundsheet
Ang groundsheet ay inilalagay sa ilalim nang tent, itoy inilalatag muna bago ipatong ang tent, tumutulong ito na ndi direktang naka sayad ang tent sa lupa o sa damo, nakakadagdag din ito proteksyong sa tubig at basang lupa. Maaring makabili nito sa palengke, sa mga tindahan nang lona at tolda.
- Sleeping pad/Earth pad
Ginagamit itong sapin sa loob nang tent para na din makabawas sa lamig na dala nang lupa. Hindi lamang sa pag tulog ito nagagamit, ito din ang ginagamit sa loob nang bag upang mas maging tuwid ang pagkakatayo nang backpack at maging suporta din nang mga gamit, Pero para saakin mas magandang gamitin ang insulator sa ganito na goma, Ang insulator ay mas magaan at higit na nag bibigay nang init sa ating katawan.
- Sleeping bag
Mas mabuti gumamit nang sleeping bag kahit nasa loob ka pa nang tent matutulog, lalo na kung sa malalamig na lugar, imbes na nang kumot ang sleeping bay ay mga mas epektibo sa lamig.
- Gas Burner/Stove
Sa panahon ngaun hindi na uso ang gumagawa nang apoy gamit ang mga kahoy pag nasa camp, Maari kasing maging sanhi ito nang sunog sa kabundukan, Maaring ginagamit nalang un sa mga oras nang pangangailangan. Kaya ngaun ang ginagamit pang luto ay mga Gas burner na ginagamitan nang butane, maliit lng at magaan, May mga Gas burner din na hindi pwede sa mga high altitude ito ung mga mumurahin. Meron talagang Gas burner na sinadyang ginawa para matataas na lugar at sa klima.
- Gas Lantern/Lamp
Kagaya nang Burner ito ay ginagamitan din nang butane para gumana, Imbes na gumamit nang bonefire ito ang ginagamit na ilaw. Siguraduhin lang na may dala laging extra na butane.
- Notebook/Pencil
Madaming umaakyat ang Hindi nag dadala nang lapis at notebook, kadalasan nga, kahit lapis ay wala, pero kung tutuusin kailangan ito nang grupo, Bawat grupo dapt may isang sumusulat at nag dodokumento nang bawat bagay bagay upang maipamahagi sa iba.
- Matches/Lighter
Wag kalimutan mag dala nang lighter at posporo, dalaw o tatlo itago ito sa back pag kung saan hindi ito mababasa. At kung maari ang daling posporo at water proof, gaya nang nasa larawan.
- Trash bag
Kalat mo pulutin mo, kalat nang iba pulutin mo. Bawat kalat na mapupulot natin malaking bagat at malaking kontribusyon sa kalikasan. Sanay wag tayong makadagdag sa kalat, sana tayo ay makabawas sa kalat.
No comments:
Post a Comment