Sunday, December 4, 2011

Bundokabularyo


  • Adidulas - Ito ang bansag sa mga sapatos na hindi naayon sa pang akyat, madudulas at walang mga spike na kagaya nang mga sapatos na pang akyat. Malimit kasi makakakita kang nag susuot ung mga baguhan.
  • Advance - Isang tawagid din ang "advance" sa Overtake, May maayos kasing pakinggan ang ser/ma'am "paadvance" lang po, kaysa ser/ma'am "paovertake" po, Laging tatandaan na sa pag akyat, tayo ay hindi nag uunahan, hindi lahat ay pareparehong hardcore sa akyatan.
  • Ampon - Ito nag tawag sa isang montanero na hindi inaasang mapasama sa ibang grupo sa orang nang pag climb sa madaming kadahilanan.
  • Assault - Tuloy tuloy na pag akyat na pinaka mahina na ay 45 degrees. Dito halos susuko ang mga baguhan. Ito din ang isa sa pinaka masarap na parte nang pag akyat, Ang pag assault..Kaya pag katapus ay mapapaupo ka sa pagod at kailangan munang mag pahinga.
  • Ascent - Pag akyat sa bundok.
  • Back Door - Ito ang tawag sa daan upang maakyat ang isang saradong kabundukan, Mas nakakaligaw sa ganitong daan, Ang iba ay may kasamang guide na lokal para lamang makadaan, masyadong delikado dahil pwede kang mapagkamalan nang army na kawatan, pwede ka din mapagkamalan nang kawatan na army.
  • Base Camp - Dito nag seset ang mga montyanero nang campo, dito na din iniiwan ang mga gamit para makapag assault nang summit o kaya naman ay mag explore sa paligid.
  • Basagan nang Tuhod - Binabangit ito nang montanero kapag mahaba ang trail, Lakad, lakad at walang tigil na kakalakad. Hindi masyadong matatarik pero sobrang hahaba naman nang lakaran. Ekspresyon na nang halos nag rereklamong montanero. Kasi nga naman sa haba nang lakarin halos mabasag na ang tuhod.
  • Bloated - Ang tawag sa IT na maluwag ang oras para makarating sa destinasyon. Kadalasan para na din makatulong sa mababagal na montanero o kaya ay sa mga baguhan sa larangan.
  • Break camp - Isang tawag din sa pag didismantel sa lugar nang pinag kampuhan, pag kakalas nang tent at apg aayos sa gamit.
  • Budget meal/Student meal - Kung ikaw ay mag hahanap nang bundok na kailangan mo ay maliit na budget yan ang itinatawag. Tipid pero sulit.
  • Campingers - Ito ang tawag sa mga montanero na pasaway at walang sinusunod na patakaran, walang disiplina ang alam lamang ay umakyat lang nang umakyat.
  • Campingers -Yan ang tawag sa mga montanero na pasaway at walang sinusunod na patakaran, walang disiplina ang alam lamang ay umakyat lang nang umakyat.
  • Clearing - Isang bahagi na mabababa ang damo at may malawak na tanawin.halos walang gaanong puno at damali mong nakikita ang dadaanan.
  • Day hike - Kadalasan tio ang ginagawa nang mga montanerong busy sa mga kanya kanyang buhay, Isang araw lang ginagawa ang ang pag akyat at pag baba nang bundok. maganda lang dito ay konti lang ang dadalin mong gamit, Sapat na tubig at pamalit na damit lamang ang kadalasan dinadala, At tandaan na kahit dayhike dapat ay mag dalang headlamp para kunsakaling gabihin sa daan.
  • Decent - Pagbaba nang bundok.
  • Dry-fit/Dri-fit - Klase nang tela na kadalasang ginagamit sa Sports na papawisan ka, mas magaan at mag maganda sa pakiramdam basa o tuyo higit salahat ay hindi ito maamoy.
  • E-Camp - Ang Emergency camp o e-camp ang tawag sa lugar kung saan gagawin palamang ang isang kampo sa hindi inaasahang pangyayari, marahil ay kukulangain na sa oras para marating ang pupuntahan.
  • Freelance - Ito ang tawag sa mga montanero na walang grupo, Nabibilang din ang samahan nang montanero na  walang pangalan ang grupo.
  • Harry Porter - Ang bansag sa mga porter.
  • Jump-Off - Ito ang lugar kung saan nag sisimula at nag tatapos ang trekking, dito na din nag aayos at nag peprepara nang lahat bago simulan ang pag akyat.
  • Kalabaw/Abnormal - Ito ang tawag sa mga montanero na parang ndi marunong mapagod at sobrang tibay sa akyatan, kung saan ndi mo malaman kung saan humuhugot nang lakas.
  • Lights Out - Ito ang oras upang matulog, patayin na ang ilaw, upang hindi na makaistorbo sa ibang montanero na nag papahinga.
  • Post Climb - Meeting na nagaganap pagkatapus nang pag akyat, pag papasalamat at kung anu anu pang aktibidades.
  • Pre-climb - Isang meeting na sinasagawa bago ang climb, Dito sinasalaysay nang nag organisa nang climb sa grupo kung anu ang mga mangyayari at maaring mangyari sa darating na akyat.
  • Rain Cover / Backpack Cover - Ito ang tawag sa pinantatakip sa backpack, nakakatulong ito para hindi masyadong maputikan ung bag lalo na pag umuulan, malaking tulong din ito upang maiwasan ang pag sabit nang bag sa mga nakausling mga baging o kahoy.
  • Seven 11 - Yan ang tawag sa tindahan na matatagpuan sa summit nang bundok, sa aking pag kakaalam ang orihinal ay yung sa mt. maculot. binansagan ung tindahan na yun kasi halos lahat nang kailangan mo ay andun na, at nung mga panahon na yun ay nag kalat na din ang 7-11 sa ating bansa na kahit saan ka mapunta ay mayroon.
  • Ser/Ma'am - Ito ang ginagamit na tawagan nang bawat montanero sa kapwa nya montanero, paraan na din nang pag galang sa kapwa.
  • Socials - Ito ang isa sa mga hindi nawawala, Pag katapus nang kainan, kaunting pahinga... May tatawag na o mag papasimula at sasabihin "Tara socials na tayo". Sa ganitong bahagi nagtitipontipon at nag kakaharap harap ang buong grupo, nag lalaro, nag uusap at nag papakilala ang mga bagong kasama sa grupo.Karamihan nang grupo sa ngayon ay nag iinuman na at tinatawag na din parte nang socials.
  • Sweeper - Ito ang nasa hulihan, pwedeng grupo pwedeng isang tao laman, sya ang huling darating sa base, siya din ang huling tao na maaring makapansin sa naihulog nang nasa unahan, sya din ang nag tatangal nang palatandaan na ikinakabit nang nasa unahan.
  • Take 5 - Mula sa "Take five minutes", Pag sinabi na "Sir/Ma'am take 5 muna tayo", mag pahinga muna nang limang minuto bago bumalik ulit sa pag lalakad.
  • Traverse - Pinahigsing "Travel Reverse", Imbes na mag sisismula ka sa aakyatan, mag sisimula ka sa dapat bababaan, kadalasan itong ginagwa sa mga bundok na may dalawang daan. Hindi mo na daanan ang daan na iyong inakyatan at sa ibang daan ka na bababa.
  • Vitamin Si - Ay ang sigarilyo, Pinahigsing salitang "Vitamin Sigariyo" o kaya ay "Vitamin YoSi".., Para saakin hindi ako pabor sa paninigariyo sa kabundukan. Ito nalang ang natitirang lugar na hindi polyuted. Aminado akong naninigarilyo ako... pero sa urban lng, iniiwanan ko lahat nang bisyo ko sa ibaba.
  • Wasak - Ibig sabihin "Pagod". madalas itong madidinig at lalong hindi nawawala itong salita na ito habang nag te-treking o pagkatapus nang treking. expression na ito nang mga montanero
  • 4-Wheel Drive - Ito ang pag akyat nag gamit din ang mga kamay. Para kang gumagapang paakyat,  pag nasa bahagi ka nang mababato lalo na sa madudulas na bahagi.

No comments:

Post a Comment