Wednesday, February 29, 2012

Aksidente sa Mt. Batulao






Isang babae ang namatay noong Miyerkules ika-29 ng Pebrero 2012, ng bumagsak ito mula sa isang talampas sa Batangas. Ang nasabing babae ay kinilalang si Diana Urbano Fajardo, edad 27, Manager ng Tokyo-Tokyo Restaurant sa SM Taytay Rizal.

Si Fajardo ay umakyat ng MT. Batulao sa Sitio Malusak, Brgy. Kaylaway, Nasugbu, kasama ang limang iba pa, noong Miyerkules alas onse imedya ng umaga (11:30am). Nawalan siya ng kontrol at nahulog habang kumukuha ng mga larawan sa halos 250 talampakan ng Peak 8, MT. Batulao. Bumagsak sa mabatong bahagi ng bundok na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. - sabi ni superintendente Renato Mercado, Nasugbu police chief.


Pinagmulan:Inquirer News/GMAnews

2 comments:

  1. condolence for her family. I just heard this news sa isa sa mga barkada ko!

    ReplyDelete
  2. hai naku, after ilang taon, ngaun lng aq nagkalakas ng loob n i-check 'to. sayang kc masaya xiang kasama, lalo n nung mga bata pa kami, bungingis kc xia. sana masaya pa rin xia san man xia naroon. pero miss n kita Dianne!

    ReplyDelete