Guide... Guide fee? Para saan nga ba ito? Para sa isang mountaineer na kagaya mo... kailangan ba nang guide at guide fee?
Nauuso na nga ngaun sa mga kabundukan sa pilipinas, kahit na ito ay hindi teknikal. Sa ilang kabundukan ngaun sa plipinas kailangan nang kumuha at mag bayad nang guide bago makaakyat, isang hindi makatarungang presyo, negosyo na ba ito nang mga local sa sobrang kahirapan sa pilipinas, minsan naiisip ko kung saan ba talaga nag simula ang pag guguide sa pilipinas, para saakin kasi kaya ka nga mountaineer kasi gusto mo mag explore sa sarili mong pamamaraan, maligaw ka o hindi, maakyat mo ang summit o hindi.
Sa bawat grupo may namumuno, at bawat pinuno ay dapat may kakayahan mamuno, kailangan may malaking kaalaman sa pagiging montanero dahil sa kanya nakasalalay ang kapakan nang bawat myembro at sa bawat myembro kailangan mag bigay nang respeto sa namumuno, kailangan din nang pag titiwala at koordinasyon nang bawat miyembro.
Sa panahon ngaun madali na din halos malaman ang lahat nang inpormasyon sa bawat bundok na aakyatin, ang gastos, ang sasakyan at mga palatandaan, hindi na din marunong gumawa nang sariling plano ang karamihan, ang importante ay may guide sila at tiyak nila na makakaakyat sila sa tuktok at makakakuha nang mga larawan.
napakaraming blog sites at sa social network na facebook palang ay napaka daming groups na na maari mong tanungan. Kaya nga ang tanung.. “kailangan pa ba nang guide?”. Hindi ko alam kung mahirap na katanungan ito o medaling katanungan, bawat montanero ay may kanya kanyang pamamaraan, may kanya kanyang dahilan at kanya kanyang paniniwala. Pero may isang layunin.
Ito ay para saakin lamang.